Minamahal na mga Kliyente,

03 Hunyo 2022 – Sariwa mula sa pagkuha ng dalawang parangal para sa 2022, ang online trading platform na PU Prime ay muling nakatanggap ng pagkilala, sa pagkakataong ito ay may parangal para sa World’s Best Online Broker sa Financial Expo Egypt 2022.

Ginanap mula 25-26 Mayin Egypt, nagtipon ang Financial Expo ng higit sa 5000 traders, 100 brokers, at 70 tagapagsalita mula sa mahigit 30 bansa para sa isa sa pinakamalaking kaganapan sa finance at Forex sa rehiyong MENA. Nagawang ipakita ng mga nangungunang broker ang kanilang mga produkto at serbisyo, habang ang traders ay nagawang makipagkita at matuto mula sa ilan sa mga nangungunang propesyonal sa industriya.

Ang pagbigay ng mga parangal sa Financial Expo ay pagbubunyi sa mga best-in-class na tagumpay ng dumalong brokers. May presensya sa mahigit 120 bansa at rehiyon at top-tier na suporta sa mahigit 18 wika, ang PU Prime ay higit pa sa handang humarap sa kompetitibong pandaigdigang merkado ng brokerage.

Ikinalulugod ng PU Prime na patuloy na makatanggap ng pagkilala sa industriya at umaasa na ang walang tigil nitong pagsisikap para sa pinakamahusay ay magdadala sa sarili at sa mga stakeholder nito sa mas mataas na antas.

Pinakamahalaga, nais ng PU Prime na ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa mga customer nito — kung wala sila ay hindi magiging posible ang tagumpay nito.