04/07/2022 – Inilunsad ng PU Prime, isang award-winning na online trading platform, ang pinakabagong feature nito, ang copy trading, sa pamamagitan ng app nitong PU Social.

Sa paniniwala nitong lahat ay makakapagtrade kung bibigyan sila ng tamang tools, humakbang pa ang PU Prime ng isang hakbang pasulong sa paggawa nito ng PU Social. Ngayon, lahat ng trader ay pwede kumonekta, matuto, at mangopya ng trades ng mga may-karanasang traders at kopyahin ang tagumpay nila.

Sa pamamagitan ng PU Social app, maa-access ng users ang pandaigdigang merkado nang may kaparehong magandang trading conditions na tinatamasa ng PU Prime customers sa kasalukuyan. Ganunman, kasali pa rin sila sa isang network ng libo-libong ibang traders at maaaring hanapin ang pinakamagagaling na traders sa network at gawin ang eksaktong kaparehong trades nila nang sabay gamit ang auto-copy function.

Hindi Lang Pagkopya

Hindi lamang sa pagkopya ng bawat galaw ng traders umiikot ang PU Prime. Ang flexible copying parameters ay hahayaan kang kontrolin ang risk mo nang mas madali at mag-react ayon sa mga pagbabago sa merkado sa pamamagitan ng pag-modify ng orders “on the fly.”

Para sa mga may tagumpay na sa kanilang trades at may kumpiyansa sa abilidad nila, may option na rumehistro biglang signal provider. Sa pamamagitan ng pagbahagi ng trading strategies, kikita ng commissions ang users sa mga matagumpay na trades ng followers nila – na magbibigay ng karagdagang kita gamit ang kahusayan nila.

Umaasa ang PU Prime na sa paglunsad ng PU Social, makakatamasa ng tagumpay ang customers nitong wala pa masyadong karanasan sa merkado at, sa parehong panahon, matuto sa pinakamagagaling na traders.

Maaaring i-download ang PU Social app sa Google Play & the App Store.